This episode currently has no reviews.
Submit ReviewA reading of the Letters for Black Lives translated into Tagalog. Written and edited by the Letters For Black Lives Team. Translated by the #Translation-Tagalog Team. Read by Rhodette Grace Saguid.
Video available on: Instagram: www.instagram.com/dearasianamericans Facebook: www.facebook.com/dearasianamericans YouTube: www.youtube.com/dearasianamericans
Transcripts of the letter below and also available at: https://lettersforblacklives.com/
//
Mahal Kong Nanay, Tatay, Tito, Tita, Lolo, Lola, Pamilya:
Kailangan po nating mag-usap.
Siguro po ay hindi ganoon karami ang mga kaibigan o kakilala niyo na Itim. Pero para po sa akin, mahalagang bahagi sila ng buhay ko: ilan sa kanila ay mga kaibigan, kabarkada, kapitbahay, katrabaho, at kapamilya ko. Natatakot po ako para sa kanila. Hindi man sila bahagi ng buhay niyo, pero hindi niyo naman po kailangang magkaroon ng relasyon sa kanila para maintindihan ang mga nangyayari.
Kamakailan lang sa Minnesota, pinatay si George Floyd, isang Itim, ng puting pulis. Mapwersang lumuhod ‘yung pulis sa leeg ni Floyd at sinakal siya ng halos 9 minutes, kahit na paulit-ulit nang nagmakaawa si Floyd na hindi siya makahinga. Dinaganan si Floyd ng dalawang pulis, habang ang pang-apat na pulis, isang Asian, ay tumayo lang at walang ginawa. Hindi nag-iisa si Floyd. Ngayong taon pa lang, si Dreasjon Reed ng Indiana at si Tony McDade ng Florida ay ipinaslang din ng kapulisan noong Mayo. Ganito rin ang nangyari kay Breonna Taylor sa Kentucky noong Marso. Noong Pebrero naman, pinatay pa ng isang dating police detective si Ahmaud Arbery sa Georgia.
Kahit na madalas ang balita sa media at malakas ang ebidensiya, walang pananagutan ang mga pulis sa pagpatay nila sa mga Itim. Isipin natin kung ilan pang kaso at aksidente ang hindi alam ng publiko dahil hindi nakuhanan ng video.
Ito po ang nakakatakot na reyalidad na pinagdadaanan ng mga Itim araw-araw.
Baka iniisip niyo po, minority rin tayo; nakakaranas din tayo ng diskriminasyon. Dumating tayo sa Amerika at nagkaroon ng disenteng buhay. Nagsimula tayo ulit sa wala at nagsumikap sa kabila ng paghihirap at diskriminasyon. Baka naiisip niyo, kung nagawa natin ‘to, bakit hindi rin kayang magawa ng mga Itim?
Gusto ko pong sabihin ang pananaw ko. Sinasabi ko po ‘to sa inyo kasi mahal ko kayo, at naniniwala akong kailangan nating lahat gawin ang tama.
Tuwing naglalakad tayo sa labas, bihirang-bihira tayong ituring na mapanganib ng mga tao. Umaalis tayo ng bahay nang hindi iniisip kung makakabalik pa tayo. Hindi rin tayo takot na papatayin tayo ng pulis kung mahuli man tayo habang nagmamaneho.
Hindi ‘to ang sitwasyon para sa mga Itim.
Ang mga ninuno nila ay pwersahang dinala sa Amerika bilang mga alipin, matapos silang ibenta o dukutin. Ilang daang taon na inabuso at tinratong pag-aari ang mga katawan nila, at ginamit sa pagpapayaman ng iba. Kahit pagkatapos gawing ilegal ang slavery, patuloy na pagpapahirap ang dala ng gobyerno sa kanila—ipinagbawal silang bumoto, makapag-aral, at makapag may-ari ng lupa o negosyo. Ang mga pang-aaping ito ay dahil sa kapulisan at sistema ng kulungan—mga bagay na diretsong nanggaling sa mga slave patrol at plantation. Namumuhay ang mga Itim sa ilalim ng patuloy na banta ng karahasan na nangyayari pa rin hanggang ngayon. Patuloy ang pang-aapi sa kanila; ang nag-iba lang ay ang anyo nito.
Nagpumilit at nagpursiging lumaban ang mga Itim sa kabila ng lahat ng ito. Sila ay nagulpi, napakulong at napaslang na ng mga pulis dahil pinagtaguyod nila ang mga karapatang pinakikinabangan nating lahat ngayon. Kahit ipagtapat pa ng sistema ang mga Itim sa katulad natin, silang mga Itim pa ang tumulong ibasura ang mga hindi patas na batas laban sa imigrasyon. Sila rin ang nagpawalang-bisa sa racial segregation para sa ating lahat.
Patuloy man ang pag-usad natin, umaangat pa rin ang hindi patas na sistema. Sa paglipas ng daan-daang taon, malaya pa ring pinapaslang ng gobyerno ang mga Itim.
Naiintindihan ko naman kung bakit kayo natatakot at nag-aalala sa mga looting na nangyayari. Pero isipin niyo kung gaano kasakit marinig ang ibang taong sabihin na mas mahalaga pa ang materyal na bagay, bagay na pwede namang palitan, kaysa sa buhay ng mga taong mahal natin. Isipin niyo kung gaano kahirap mag-protesta sa gitna ng pandemic. Isipin niyo ‘yung pagod na dulot ng paulit-ulit na laban sa karahasan ng gobyerno na noon pang nilalabanan ng ninuno niyo.
Ito po ang mga dahilan kung bakit ko sinusuportahan ang Black Lives Matter movement.
Bahagi ng pagsuporta ko ang pagtutuwid ko sa mga kakilala ko tuwing minamaliit nila ang pagkatao ng mga Itim. Kahit ang sarili kong pamilya ang gumawa nito, sinasadya man o hindi. Ang katahimikan natin ay may kapalit, at kailangan natin ‘tong pag-usapan.
Habang-buhay kong utang na loob ang pagsusumikap niyo sa bansang ito, ang bansang minsan na ring nagpadama ng pang-aapi sa inyo. Ipinagkait sa atin ang mga oportunidad na pinagsikapan natin sa Pilipinas dahil hindi turing na sapat ang mga kredensyal natin dito sa America. Nagdusa at nakaranas kayo ng diskriminasyon para lang magkaroon tayo ng maginhawang buhay.
Pero ang mga pagsubok na ito ang nagpapalarawang sama-sama tayo sa paglaban, at hindi tayo magiging ligtas hangga’t ang mga Itim ay ligtas din. Ang kailangan natin ay ang mundo kung saan pwedeng mabuhay ang lahat nang walang takot. Ito ang gusto kong kinabukasan--at sana ito rin ang gusto niyo.
Lubos na nagmamahal at umaasa,
Ang inyong mga anak
//
Mom, Dad, Uncle, Auntie, Grandfather, Grandmother, Family:
We need to talk.
You may not have many Black friends, colleagues, or acquaintances, but I do. Black people are a fundamental part of my life: they are my friends, my neighbors, my family. I am scared for them.
Recently, in Minnesota, a white police officer killed a Black man named George Floyd by kneeling on his neck for almost 9 minutes—ignoring his repeated cries that he was unable ...
A reading of the Letters for Black Lives translated into Tagalog. Written and edited by the Letters For Black Lives Team. Translated by the #Translation-Tagalog Team. Read by Rhodette Grace Saguid.

Submit ReviewThis episode could use a review! Have anything to say about it? Share your thoughts using the button below.
Submit Review